Monday, May 21, 2012

Been A While..



It's been a while.
Napaka tagal na pala.
Natapos na ang taon at ngayon halos kalagitnaan na.
Ang dami nang nabago madami na ring eksena pero kahit anung isipin ganun pa din pala.
May mga lumisan, meron ding bagong kakilala.
Ganyan nga daw talaga ang buhay, may nagdadaan hanggang sa matapos na ang linya.

Days had passed.
Dumadaan ang panahon.
Lulubog, lilitaw, nagtatapos ang mga araw.
Parang isang kwento na inabot ang katapusan.

Things had ended.
May mga nagwawakas.
Katulad ng linggo at araw,
na parehong lumilipas.

Pero ang buhay ay para ding isang klase,
Parang eskwela.
Magkikita kita din tayo kapag ang pasukan ay sumapit na.