Sa bawat sandali ng ating buhay
May mga tao tayong nakakasalamuhat
May iba’t – ibang ugali,
May iba’t – ibang katangian.
Alam natin noong una
Di sinasadyang nagkakilala,
At sa isang grupo ng BARKADA,
ika’y akin pang nakasama.
Una mang pagkikita
Unang pagkakataong makausap,
Lahat ng sinasabi mo’y di mapigilang pakinggan
Ito man ay may halong kakornihan .
At sa paglipas ng mga araw
Kalooban ko’y unti-unting gumagaan
Sa kwentuhan natin at tawanan
Ramdam kong pagkakaibagan’y magtatagal.
At sa araw-araw nating pagsasama
Pakiramdaman ko’y nagiiba.
Na hindi ko alam kung ano,
At hindi ko rin maipaliwanag kung paano?
Ngayo’y nagtatanong na ang aking puso
Kaibigan pa ba ang tingin ko sa’yo?
Dahil sa bawat pintig na lamang
Pangalan mo lang ang binibitiwan.
Ngayon’y natatakot ako
Handa na bang malaman mo,
Itong pagtatangi para sayo.
Sapagkat alam ko namang magkaibigan lamang tayo.
Hindi mo ba nalalaman?
Na ika’y minsan tinititigan
Sa puso ko’y buong paghanga
Na hindi maalay kahit pa ng balana.
Paghanga man o ibang bagay?
Namumuo sa diwa kong lantay
Di ko tiyak kung sa aki’y may pagtingin,
Di ko alam kung ito’y nadarama mo rin
Ngunit kung sakali,
Hahayaan bang ito’y maipakita? At maipadama ko rin?
Pinipilit limutin,
Itong nadarama.
Mahirap, Di maalis ang pagsinta.
Ikaw lamang ang nagugunita
Sa lahat ng araw,
Mapagabi man
O umaga.
"I wrote this poem a week ago. Inspired by a person's difficult love story.
Puzzled about the title I ended up putting "Lumalayong Paglalapit" for the friendship involve and the secret admiration that the person have for someone."
No comments:
Post a Comment