Had stopped blogging lately...di ko din alam kung bakit?
Wala akong ibang maipost, kaya ako napaisip.
Parang pinipilit ko lang ang sarili mag post ng di ko linya.
Hanggang sa aking maalala, "personal blog ko nga to pala?"
Hindi na dapat english, hindi din dapat matalinghaga basta ang importante gamitin aking wika.
Pero bakit ganito? Panggap akong makata? Antok lang siguro..malakas lang ang tama.
Tinatamad talaga ako..hindi ba halata?
Alam mo ang totoo? Nasa opisina ako...walang ginagawa.
Nasa likod ko lang ang boss ko hindi pa nakakahalata...pag nahuli ako, patay nanaman ang bata.
Ano nga ba ang dahilan? ba't wala akong ginagawa?
Para akong tanga tutunga tunganga.
Ngayon naalala ko na, bakit sinubukang maging bloggista.
Gusto ko nga lang pala magsalita pero ayaw nang eksena.
Tama ang mga ganitong panahon, kesa ngumanga sa opisina.
Tama maglabas nang sasabihin kesa naman sa ngumanga.
Heto nanaman...katamaran umatake na.
Wala nanaman akong masabi...ubos na ata ang istorya.
Siguro'y bukas naman ako bibisita.
Sana may maibahaging kwento...wag naman puro walang kwenta.
At least masaya ako...naalala ko na ang halaga...ang dahilan nito, ang sarili kong pahina.