Thursday, October 6, 2011

Anong ginagawa ko???



Had stopped blogging lately...di ko din alam kung bakit?
Wala akong ibang maipost, kaya ako napaisip.
Parang pinipilit ko lang ang sarili mag post ng di ko linya.
Hanggang sa aking maalala, "personal blog ko nga to pala?"
Hindi na dapat english, hindi din dapat matalinghaga basta ang importante gamitin aking wika.
Pero bakit ganito? Panggap akong makata? Antok lang siguro..malakas lang ang tama.
Tinatamad talaga ako..hindi ba halata?

Alam mo ang totoo? Nasa opisina ako...walang ginagawa.
Nasa likod ko lang ang boss ko hindi pa nakakahalata...pag nahuli ako, patay nanaman ang bata.
Ano nga ba ang dahilan? ba't wala akong ginagawa?
Para akong tanga tutunga tunganga.

Ngayon naalala ko na, bakit sinubukang maging bloggista.
Gusto ko nga lang pala magsalita pero ayaw nang eksena.
Tama ang mga ganitong panahon, kesa ngumanga sa opisina.
Tama maglabas nang sasabihin kesa naman sa ngumanga.

Heto nanaman...katamaran umatake na.
Wala nanaman akong masabi...ubos na ata ang istorya.
Siguro'y bukas naman ako bibisita.
Sana may maibahaging kwento...wag naman puro walang kwenta.
At least masaya ako...naalala ko na ang halaga...ang dahilan nito, ang sarili kong pahina.

8 comments:

  1. i feel you bro.! XD

    p.s. hoy...di ako mambobola ha....

    ReplyDelete
  2. hahaha...cge d2 tayo magkalat sa blog ko...

    di na nga ako makapagpost lately dami ginagawa eh..

    pasulyapsulyap na lang tuloy ako at pa comment comment sa ibang mga post...

    p.s cge d ka na mambobola...so ano ulit ung itsura ng blog ko?? =P

    ReplyDelete
  3. lool prehas lng pala tayo...yan na lng rin muna mga ginagawa ko as of now...busy(busyhan) kasi....hehe la na ring maisulat...T_T


    p.s. di nga ako mambobola...itsura ng blog mo? "nice" ^_^ hehe

    ReplyDelete
  4. hahaha...sige ipilit nating nice ang itsura ng blog ko...simplicity is beauty ba?hahaha...nga pala saan mo nakuha ung avatar mo sa blog? ung cute cartoon anime girl na nasa upper right? my pagka inggitero kc ako eh... =P

    ReplyDelete
  5. di ko naman maintindihan ung page..kahit i translate ko na gamit ang google chrome...ung anime character mo lang ba meron dun?wala nang iba?... =)

    ReplyDelete
  6. haha.! honestly nakalimutan ko na nga pa'no ko ba 'yon nakuha basta click lng ako ng click nun...oo dami pang options dun... ;)

    ReplyDelete
  7. d ko mainitindihan ung page eh...muslim ata un...tsk..tsk..tsk... =P

    ReplyDelete